Rouser Group of the Philippines

Rouser Group of the Philippines

Riders Group Vest



Riders Group Vest

beep beep beep...!
-Group Vest yan, ibig sabihin, kapag suot mo yan eh kinakatawan mo ang isang pambansang kapatiran ng mga nagmomotorsiklo,
ano man ang mapuna sayo, maaaring maipintas sa buong grupo, kayat isuot eto ng may pag-iingat.
-Group Vest yan, na kung hindi mo rin lang naman maisusuot ang mga itinakda ng batas na dapat mong isuot sa iyong pagmomotor, eh huwag mo na din munang isusuot ang vest mo.
-Group Vest yan, opisyal na vest o chaleco ng isang rehistradong pambansang kapatiran,
na kung hndi mo din lang naman magagawang isuot ito ng may dignidad at pagpapahalaga,
ay mabuti pang huwag mo munang isusuot.
-Group Vest yan, kahit gawa lang sa payak na mga materyales at nabili mo sa hndi gaanong mataas na halaga, ay kaakibat na nyan ang respeto, prebilihiyo at responsibilidad ng pagiging matapat na kaanib ng grupo, na kung hindi mo lang din nmn masusunod ang mga alituntunin nito, ay huwag mo na sanang isusuot ang vest na yan.
-Group Vest yan, lagi mong tatandaan na hindi lang ikaw ang nagsusuot nyan, ipagmalaki mo ngunit hwag mong ipagyayabang.
-Group Vest yan, may bentahe kung suot mo yan,
pero hnd nangangahulugan na pwd mo nang patakbuhin ang motor mo na parang nabili mo na ang kalsada. hnd ka pulis uy.
-Group Vest yan, hndi yan kasuotang pangproteksyon sa sarili, kaya kung hndi ka lang din nmn magsusuot ng iyong helmet or ng kaukulang proteksyon sa paa, huwag mo na din munang isusuot yan.
beeep beeep beeep...!

By: Paps Willliam Cortez....




No comments:

Post a Comment