Rouser Group of the Philippines

Rouser Group of the Philippines

Story of Paps William Cortez H131





      As a child na lumaki sa gilid ng kalsada, pinangarap ko din ang mag-motor na madami ang kasama.

     pinangarap ko ding magpatakbo ng motor sa hi-way, kaso, takot ako sa mga naglalakihang sasakyan, lalo mga trucks at bus.

     Or kahit sa mga interior roads na lang o kahit sa mga rough road, pero baka makasagasa ako ng aso, at sigurado, mapupuno ng putik at alikabok ang motor ko.

     Gusto ko din sanang iyakyat ang motor ko sa mga matatarik at pagiwang-giwang na kalsada, kaya lang baka mabitin ako sa pag-akyat or baka hndi ko kayanin ang magbanking-banking.

     Naisip ko din na mag-joy ride, magpatakbo ng walang takdang pupuntahan, pero sayang ang gas.

     Ang sarap din siguro mag patakbo ng motor na naka-full gear, pero baka sabihin nila na mayabang ako at puro porma.

      Masarap din siguro na sumama sa mga motorcycle riders at mapuntahan ang mga lugar na nababalitaan ko lang, pero baka pag-awayan nmin ni kumander.


     Well, noon yon, kasi ngayon eh nagpapatakbo na ako sa hi-way, ingat na lang sa mga kasabay.

     Nakakapag-motor na din ako sa mga interior at rough roads, nadudumihan nga ang motor ko and yes, nakasagasa na din ng aso, pero at the end of the day, sobrang saya ko.

     Nasubukan ko na din na umakyak sa mga matatarik na kalsada at doon eh nabitin o namatayan ng motor, pero gusto ko pa ring gawin ng nakangiti....

     Ginawa ko na din ang magpatakbo ng walang takdang pupuntahan, joy ride nga, at hindi ako nanghinayang sa gas, kasi, I enjoyed the ride.

    At halus sa lahat ng oras eh naka-full gears ako kung mag-motor, at napakasarap marinig na masabihang "responsible rider".

    Naging posible ang lahat ng nga yan nung sumama ako sa isang motorcycle group, hndi lang pala sumama, sumali ako sa Rouser Group of the Philippines (Pangasinan), at ang importante doon eh hndi nmin ito pinagtalunan ni kumander, katunayan nga eh backrider ko sya.

By: Paps William Cortez H131

No comments:

Post a Comment